Sunday, August 19, 2007

basurang kurokuro...

unti-unti kong binuka ang aking mga mata. tiktik pa rin ang araw.sinubukan kong matulog muli subalit nang muli kong ipikit ang aking mga mata, walang nangyari. nagdilim ang paligid subalit ang diwa ay nanatiling gising. nararamdaman ko pa rin ang siko ng aking katabi at ang kurtina na isang buwan na yatang hindi nalalabhan.napagdesisyunan kong gumising na lang at masdan ang mga nadaraaanang sakahan.
Medyo mabagal ang andar ng bus ngayon, ginagawa kasi ang south express way.mababanaag sa mga taong gumagawa ang hirap ng kanilang trabaho.habang nasa kanyang kasikatan ang haring araw, binabayo ng mga mason ang sirang kalye.may mga malalking makinarya na tila mga halimaw hindi sasantuhin ang anumang bagay na makasagupa nito.ibinaling ko ang aking paningin sa mga sakahan.masyado nakakapagod pagmasdan ang mga taong mason kaysa mga magsasaka na nakayuko at isa-isang nilalagay ang mga palay sa lupang putik na lumalangoy sa tubig.Isa-isang itinutusok ang mga palay, umaasang lalago ang mga ito at magbubunga ng maraming butil na magbibigay sa kanila ng kanilang ikabubuhay, umaasang si egay na ang huling bagyong mananamantala sa taong ito sapagkat malaking halaga na rin ang nawala sa kanila.
muli kong pinaling ang aking paningin sa ibang direksyon: sa mga kabundukan, sa mga ulap at sa mga ibong malayang lumilipad sa himpapawid. Matagal ko na ring hindi nagagawa ito. Dati kasi noong nasa unang lebel pa lang ako sa kolehiyo, sa tuwing umuuwi ako sa aming probinsya, minamasdan ko ang magagandang tanawing nadaraan ng bus. marahil dahil naninibago pa ako.noong mga panhon kasing iyon, unang beses pa lamang ako naglalakbay mag-isa.naglalakbay ng malayo na kasama lamang ang lakas ng loob na sana ay sa tamang lugar ako dumating.iba na kasi ang may kasamang mas nakatatanda.may magsasabi sa iyo na mali ang direksyon na iyong tatahakin.
subalit sa tuwing napapadaan ako sa parteng iyon ng mundo, ang mga sakahan ay untiunti na ring napapalitan ng gasolinahan. ang mga berdeng tanawin ay napapalitan ng semetadong establisyamento na pinagpipiyestahan ng mayayamang may sasakyan.
naalala ko, na noon, sa mga ganitiong panahon ako nakakapagisip ng mga bagaybagay...nagmumunimuni tungkol sa buhaybuhay...ngayon ko lamang ulit ito nagawa.nitong mga nakaraang panahon ay gabi na ako umuuwi ng probinsya.kaya puro kadiliman na lamang ang aking nkikita. kadiliman na nagaanyaya sa aking mga mata upang pumikit at nageenganyo sa aking kaisipan na pumailanlang sa kawalan. ngayon lamang ulit ako nakapagmunimuni tungkol sa buhay, tungkol sa kung ano talaga ang gusto ko.bumalik sa akin ang pangarap na gusto kong magkaron ng malaking rantso. maraming kabayo, kambing at baka.parang sa mga kartuns lamang. sa aking kuro-kuro kasi, tahimik ang ganoong buhay.hindi mo na kailangan pumunta ng pamilihan upang makakain.naroon na lahat.at sa gitna ng rantso ay ang aking malaking bahay na gawa lamang sa kahoy.maaliwalas.hindi na kailangn ng aircon.sapat na ang simoy ng hangin upang magbigay ginhawa sa pagal na katawan.
hindi ko naramdaman na habang bumabalik sa akin lahat ang alaala sumasabay rin ang mga talukap ng mata ko sa pagpikit.unti-unting naglaho ang liwanag na aking nababanaag.unti-unting bumabalot ang kadiliman sa aking kapaligiran.
may malalakas akong sigaw na naririnig, 'pugo!pugo, mani!bagong luto, mainit pa!' pagmulat ko ng aking mga mata ay nasilayan ko ang lugar na pamilyar sa akin.malapit na akong bumaba.Nanantili akong gising hanggang sa ako at aking kasama ay nakarating sa aming paroroonan.^_^
*****************************
ampanget ng gawa ko...mukhang tanga!!!haha!!!pilit na pilit!!!haha!!
*****************************
gustong-gusto ko ang kanta ng red jumpsuit apparatus...ewan ko kung bakit..kahit yata isang daang beses ko mapakinggan e hindi ko sila mapagsasawaan...kahit yun lang ang pinapakinggan ko hanggang sa mamatay ako e ok lang...hindi naman nasasaklaw ng kanta ang nararamdaman ko sa mga oras na ito subalit ang melodiya at ang mga titik ng awitin ay parang karayom na tumutusok sa aking katawan, tumatagos sa puso ko...waring maliliit na kirot, sobrang liliit na hahanaphanapin mo...hehe..korni na..naalala ko tuloy ang isa ko pang paboritong banda, and 'the story of the year'...they belong on the same genre...i don't know pero nagiingles na naman ako..haha..sabi ko tagalog lang ako ...basta pareho ko silang gusto...^_^
sana may magregalo sakin ng album ng red jumpsuit apparatus' Don't fake it and the story of the year...am not really sure bout the title ng album ng nahuli basta ung album nila na may until the day i die and anthem of our dying day..^_^

Thursday, August 16, 2007

mukhang tanga...(minadali version..hehe)

Bumabagsak ang malalaking patak ng tubig mula sa kalangitan...

malakas ang hanging na waring gustong tibagin ang anumang bagay
na nakahara sa kanyang daraanan...

sana tangayin ako ng hangin, payat naman ako e...

siguro madadala ako ng malakas na hampas ng hindi nakikitang pwersa...

siguro madadala ako sa isang lugar kung saan naroon ang tunay na kaligayahan...

ano nga ba ang kahulugan ng kaligayahan?

akala ko natagpuan ko na noon pa...

hindi pa pala...mailap sa mga taong kagaya ko ang pahiwatig ng salitang kaligayan, saya o dili kaya ay pag-ibig...

masarap ding magkape habang umuulan...mainit, maligamgam pede ring ice cold kung gustong makipagsabayan sa mga pasosyal sa mga coffee shop..

magmukha kang tanga habang hinihigop ang nakakangiliong yelo ng javachip frapuccino...

sa panahong ganito, kailangan mo ng init mula sa kapeng iyong iniinom...

higop ng konti, sabayan mo pa ng yosi hanggang hindi ka na makahinga...

malamig kapag tag-ulan, nakakapangatog ng tuhod...
lalo na kung susuong ka sa baha sa taft ave...

makapal ang ulap kapag umuulan, madilim ang kapaligiran kaysa sa nakasanayan...

hindi mo masisilip ang araw, hindi mo masisilayan ang paglubog niya sa Kanluran...

hindi mo masisilayan ang sandaling pinakaaasam-asam mo sa pagpilit mong lusungin ang mataas na baha ng taft ave...

mukha ka ng tanga...

tumigil ka na...T_T

Tuesday, July 17, 2007

9:20pm...pagsasayang ng panahon dahil sa malakas na ulan...T_T

"kabilang ka ba sa huling taon ng dekada '80 at mga unang taon ng '90?

>kilala mo ba sina shaider, bioman,a t masked raider black?

>alam mo ba ang jingle na nano-nano?

>naglaro ka ba ng 10-20?

>alam mo ang universal song na "uwian na"

>nagsaya ka ng macarena at boombastic

>alam mo ibig sabihin ng time first

>alam mo na importante ang period, no erase!

> nilalagyan mo ng pritos ring ang bawat daliri mo

>meron kang pencil case na maraming pindutan

>kilala mo si remy, cedie at princess sarah

nakakamiss, ano?"

I received this txt message from my highschool friends...ala lang...nagkataon lang na lahat ng andun sa txt message is nangyari sa buhay ko noong bata pa ako...bigla ko tuloy namiss ang buhay ko noon...Ala masyado problema...Ala pa akong pimples...kyut pa ako!haha! and ang problema ko lang sa buhay ay kung aabot ako sa paborito kong "Zenki"...Umiyak pa ako noon kasi ayaw ako ibili ng pencil case na maraming pindutan...haha!

Sobrang payak lang ng buhay non, pagkauwi ko galing skul, mkikipaglaro lang ako sa mga kapitbahay ko. After nun, uwi tapos kakain and then tulog. Samantalang ngayon, after ng skul dadaan muna ng library tapos sasagarin ang pagsasara ng lib and then makikipagsiksikan sa mrt at lrt...minsan pag tinopak nagjejeep, at dahil ubod ng traffic sa sta. ana...almost two hours travel time ko!waaaaa....naalala ko pa noong nakatulog ako on the way tapos nilayuan ako ng katabi ko sa jeep...KAHIYA!!!haha!

basta..ala lang..namimiss ko lang kabataan ko...dati gustong-gusto ko ng lumaki para magawa ko ung mga gusto kong gawin...dati kasi, kahit pagbili lang ng POMSPOMS kina aling trining e bawal....baka daw mabangga ng sasakyan...hmpf!!!hindi naman ako namatay nung bata ako one time na tumakas ako para sa POMSPOMS at BAZOOKA...muntik lang ako magiik ng ten-wheeler na track...haha!!!nagtry pa kami ng kuya ko na magtattoo gamit ang wrappers ng kentucky fried chicken...maglalagay ka ng rubbing alcohol sa side ng wrapper na may print tapos ipapagkit mo sa balat mo..konting kiskis and meron ka ng tatto na kapag nasagi ng kalaro mo piko e mabubura na kaagad na parang libag!haha!!!

namimiss ko na sina ultra man...ultraman ace, taro, kiki (tama ba un?) at marami pang iba...namimiss ko rin ang nintendo namin na dinarayo pa ng mga kalaro ko sa sikyo...sikat na sikat ung rockman 1,2,3,4,5...natapos ko na ata till rockman 4...haha!!adik ako sa family computer noon...kaso ngayon, ang mahal na ng playstation...XBox na nga ata ang uso...and hindi na ako masyado nageenjoy katulad ng pageenjoy ko noong bata pa ako...my parentahan pa dati sa may palengke sa may amin ng family computer...punong-punon ng mga bata ung bahay nila...maamoy mo na nga ang nangangasim na kilikili ng mga tao dun!!!haha!!! 5peso per 30mins lang ata nun...tapos maya'tmaya e may dumarating na galit na magulang...tapos pipingutin tenga ng anak nya kasi gabi na e nasa computeran pa!!!haha!!!nakakamiss talaga...ganun lang kababaw mga problema ng mga bata...

Kapag lumaki na ang tao, dumarami na rin responsibilidad nya...sa pamilya nya, sa komunidad, sa bansa , sa mundo...kahit sa edad ko ngayon...medyo mabigat na rin ang responsibilidad na nakaatang sa akin..kahit na asa kolehiyo pa lang ako...kelangan ko makatapos mag-aral para makatulong sa pamilya, para makatulong sa ikauunlad ng bayan...hindi biro!!!nung nagfieldtrip kami sa Los BaƱos noong weekend, doon ko lang narealize kung gaano kabigat nakapatong na responsibilidad sa aming mga estudyante...marami marahil ang nagiisip na magabroad after gumaradweyt para magpayaman...tapos after magpayaman, uuwi sa pinas para magtayo ng negosyo para pag tumanda na kaya pa ring mabuhay kahit retired na...Pero hindi pala ganon lang ang buhay...kelangan tulungan ang bayan para linangin ang mga resources na asa kapaligiran...Marami kasi sa mga resources na asa paligid ang nababalewala...tapos ang makakapansin lang e ang mga dayuhan tapos sila ang sisikat dahil sila ang nakadiscover ng ganun at ganito...Pero ang totoo naman ay ang mga pinoy...kulang lang sa financial support...hay...anlayo na ng sinasabi ko...haha!!!anggulo na...bakit ganito na ako mag-isip?..hmmmm....

Nanghinayang tuloy ako kasi nadelay ako sa college ng isang taon...hindi kasi ako nag-aaral dati...as in HINDI!!!nageexam ako na hindi man lang nabuklat ang aklat na nirekomenda ng guro, kahit ang handouts na binigay e hindi man lang nagalaw!!!haha!!!sayang ang isang taon! sayang ang panahon...maraming pedeng mangyari sa loob ng isang taon! isang taon na nasayang dahil sa kawalang pakialam or maybe kawalang awareness sa responsibilidad na nakapatong sa balikat...hehe...ewan...anggulo...

Kung anu-ano sinasabi ko pero 10pm na tapos hindi pa ako umuuwi....isang oras pa pauwi tapos 8am class ko tomorrow tapos my quiz pa ako...hmmmm...parang taliwas sa mga sinabi ko kanina ang mga ginagawa ko?..haha!!!sana magbago na ako....

Friday, May 04, 2007

tagpi-tagping karanasan...

Hay kinakabahan na naman ako para sa work ko..Last day na namin ngayon sa product training...There will be a final assessment to determine if qualified kami mag-advance to the next level...haha!. sana lang pumasa ako...sobrang ala ako ng nagegets sa mga pinagsasbi ng trainer namin...Financial something ung account namin...and hindi ko masyado magets ung mga terms na ginagamit like Bank Funding, SMI, Personal Account Credit Card Acceptance at marami pang nakakwindang na mga terminologies!haha!...Naalala ko tuloy ung housemate ko...whenever I talk about chemicals like reactions and structures nila, sinasabihan nila ako na "nagsasalita na naman daw ako ng chinese"..haha! Chemical structures and reactions are just simple things para sa course namin...pano pa ba naman kasi arawaraw namin sila nakakasama at ala kaming choice kundi gawing parte ng buhay namin ung mga chemicals kasi sa kanila nakadepende ung course namin...^_^


Anyway, my work in Sutherland (eto name ng contact center where I work..) is by far the most exciting and the most life-changing event sa buhay ko...many had happened..many things is sure to happen...honestly i never imagined myself na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon...I just wanted a plain life...para alang gulo...para ala maxado iniisip...parang my whole life is a big mess kaya i want to start naman a new life, ung simple lang...pero mukhang hindi ata pede...sinusundan ako ng mga conflicts and everything!haha!...bahala na...Pero sabi nga ng newfound friend ko life is too short...you should try things para naman hindi ka magsisi pag mamatay ka na you didn't even had the chance to experience things that aroused your curiousity...medyo enjoy naman nangyayari sakin ngayon...kaso lang, as of the moment shocked pa rin ako!wahaha!


pangit ko talaga magsulat..hindi coherent!haha...natutunan ko yan sa training sa work ko...coherence is being organized!...nyway, kaasar ang youtube...umaaasa pa naman sa kanya kasi yung naruto na DVD ko is hindi complete...i even tried going to quiapo(pirated DVD center..^_^) pero ala pa rin ung mga episodes na kelangan ko...masyadong bago pa kasi..i though ok lang kasi may youtube naman...pero i found out ngayon na restricted na ung mga bagong naruto episodes..hay...ang pangit pa naman nung putol nung last episode na napanood ko..ung tipong hindi ka makaktulog kakaisip ng katuloy niya...i'm thinking of going to quiapo again next week..sana meron na sila..^_^

***********************************


It was my birthday last Tuesday...I was thinking na since it's my day, i can relax and enjoy doing nothing kasi sobrang exhausting ung mga nakaraang araw para sakin...but everything turned upside-down...i had my second amazing race experience..(The first was my trip to Zambales..)my training sked sa work ko is 11pm-7am...so after ng training, kahit bangagbangag pa ako, dumiretso na agad ako uwi sa batangas...I chose to travel via van kasi mas mabilis un compared sa bus, dami kasi stopovers pag bus...I had my cake pa nun and medyo siksikan sa van kaya hirap talaga ng pwesto ok...i fell asleep on my way and because of the siksikan thing..nagka-stiff neck ako..T_T...i arrived around 11am sa bahay..konting kwentuhan with the family and cousins and after that konting tulog...at around 3pm, nagdatingan mga pinsan ko...pinandigan ko tulog ko kahit na sabihin nilang masama ugali ko kasi hindi ko sila ineentertain...i was too tired and sleepy then..maybe they will understand..^_^ at around 5pm, i was alarmed kasi i need to go back to Manila kasi 11pm ulit ung start ng training ko...after fixing myself, konting kwento with the cousins and konting kain umalis na ako to manila...and as expected nakatulog ako sa bus..buti na lang hindi ako lumampas sa babaan ko..huhu..pagkadating ko sa bahay sa manila, i took a bath agad..hindi pa kasi ako naliligo..haha! I managed to go to work about 5 minutes before time...siguro birthday ko lang kaya sinuwerte pa ako...pero i was really exhausted that day...nakatulog ako habang nagdidiscuss trainer namin..good thing mabait sya..^_^


**********************

i want to buy a new cellphone..actually matagal ko na syang pinagpapantasyahan...ung roommate ko kasi nagkaron na nun last year pa..kaso sobrang mahal pa nun nung mga tym na un..bagong release kasi...hindi kaya ng budget ko and if i ask my mother for it, alang pupuntahan usapan namin..hehe...i actually managed to convince my sister na magpalit kami ng phone...i had a motorolla L7 now...pero anhirap gamitin ng moto..i can say na medyo hindi sya as user-friendly as nokia...Nokia kasi is i think the most user-friendly moblie phone handset...tama ba?hehe...nyway, the model that i am talking about is the sony ericson K800i..3.2 megapixel xa tapos my player and radio...these three things kasi are the ones i always consider kapag tumitingin ako ng phone..below is the complete specification of k800i

K800i
For the digital connoisseur
A quality camera that’s also a phone: a 3.2-megapixel digital camera with all the functionality and connectivity you’d expect in a top 3G phone.

A picture paints a thousand wordsSo why not make it the best picture every time, with auto focus, built-in Xenon flash, image and video stabiliser function and BestPic™?

Send your message to the worldShare your images instantly via Bluetooth™, MMS, email or blog – your own blog is created the first time you blog a photo, for friends and family to see.

3G makes it possibleMobile Web browsing, photo blogging, push email, downloading multimedia content and video calling are a reality with 3G. This phone’s got it all.

Screen
262.144 color TFT
240x320 pixel
Memory
Memory Stick Micro™ (M2™) support
Phone memory 64MB*

*Actual free memory may vary due to phone pre-configuration.
Networks
GSM 900
GSM 1800
GSM 1900
UMTS
Available colours
Velvet Black
Allure Brown

Possible limited market availability.
Sizes
105 x 47 x 22 mm
4.1 x 1.8 x 0.9 inches
Weight
115 gr
4.1 oz

Features
tapos cybershot pa xa..di ba?not bad..hehe...medyo pangit nga lang hitsura nya pero ok naman sa features...waaaa..sana magkaron ako nito..birthday ko naman last tuesday e..^_^

Tuesday, April 24, 2007

to sleep or not to sleep...


my training just ended at 7am...unfortunately, i cannot go home for i need to pass the employment requirements sa company where i work...hay, namamaga na naman mga mata ko..it's my second week as a trainee and i kinda enjoying it na...unlike last week na super bored ako... para kasi kaming mga elementary students..hehehe...no offense sa trainer namin or siguro maxado lang ako mayabang...hehehe...am not used sa slow-phase discussion...hehe... kaya rin siguro ako hindi masyadong nakikisali sa mga discussions...pero naisip ko, pinasok ko 'to so kelangan pangatawanan ko na...alang mangyayari if i remain to be stubborn or something.


actually marami rin naman akong natutunan from the training in this call center...like correct pronunciation of words and also some slang terms...UK ung account kaya sobrang medyo bago sakin ung mga terms...nakakatuwa mga british, lalo na ung culture nila...they're much more interesting than Americans...that is from my point of view...hehe


it's 830am na...medyo nagloloko keyboard dito sa shop malapit sa work ko...i need to kill some time kasi kelangan ko hintayin magbukas ung HR to pass the requirements...hay, sabi nung guard sa HR, around 10am pa cla mag-open...hehe


hay...katamad magblog if nagloloko computer

Thursday, April 19, 2007

tagpi-tagping adventures...

>>>i'm so sleepy pero kelangan iprocess ko na clearance ko sa WEST (my former employer) and 9am pa magopen ung HR dun. Hay.Kelangan kasi ng employment certificate ng previous employer sa work ko ngayon. hay. It's like gising ako aroung 9am pa. May training kasi ako sa bago ko company and 11pm to 7am xa. Kaya sobrang antok na ako ngayon pero kelangan magising kasi by next week kelangan complete ko na ung pre-employment requirements. Ano ba 'tong mga pinaggagawa ko sa buhay?




Actually, i am not supposed to work. I'm still a student, a 4th year BS Industrial Pharmacy student in UP-Manila. But I'm an irregular student. I flank about 5 subjects na kasi and two of them are seasonal subjects. Lucky me!haha!...i still have two years more to go before i graduate...and medyo sobra dami ko free time this sem like sobrang nabawasan ung number of units ko...the usual kasi is 19units for us BS courses and since na-irreg ako...around 10-12 units na lang ako per sem...haha! kaya i decided to utilize my free time sa medyo makabuluhang bagay naman..hmmm..makabuluhan nga kaya tong ginagawa ko?hmmmm...



>>>Last weekend, nagpunta kami zambales. I was so surprised na ganun pala xa kalayo like 5-6 hours ung travel time. So unusual for zambales di ba? Pero the place we were is like the bordertown of zamba and pangasinan.hehe...like ung travel time from mla to olongapo is half lang ng sa pinuntahan namin. .huhu...But i have to say na the place is good. Medyo virgin pa xa, i mean underdevelop pa kaya konti pa lang mga tao.and sobrang clean ng shore and clear pa ng water. Kahit hindi sya white sand enjoy pa rin! Actually hindi naman totally black ung sand...brownish white xa...kulit no?hehe...

Sobrang fun ng swimming lalo na nung nadiscover namin na teritoryo pala ng mga 'dikya' ung place na un..like before lunch we found a baby dikya (jelly fish) and a mother dikya...we we're so afraid since pag nasting ka nun, it's either sobrang irritating sa skin or mahospital ka...medyo delikado mga dikya since they emit something that can churva ur body..hehe..di ko rin maxado gets and mode of action ng attack ng mga dikya e..hehehe...anyway, we decided to eat muna para medyo mawala ung takot brought by the dikya we found...but, nung bumalik na kami para maligo ulit around 1 or 2 na ata un...we we're so surprised na nagbabatuhan na ng dikya mga tao...like they're not dealing with baby dikyas but like they we're throwing mother dikyas!!!as in sobrang daming dikya na asa shore!!!...What amazes me more is that the residents there were able to get dikya with their bare hands lang!!!astig talga! as in mga bata pa lang sila ha, around 9 or 10 years old i think...like kelangan pa namin icombine mga kapangyarihan namin para makahuli lang ng isang dikya and ung mga batang uhugin e parang dumadakot lang ng basura..amazing di ba?hehe...katakot but it was really really fun!!!^_^


>>>tapos ko na panoorin ung naruto dvd ko...til episode 213 lang ung nabili ko and sobrang bitin ako...kelangan ko bumili ng katuloy nun...huhu...tapos ung nabili ko pa dati is maraming skips...like ung mga sobrang important episodes pa ung wala...pangit talaga...mahal naman bumili ng original..around 600 per cd pag original and that's according to comic alley... i don't know any place pa kung saan makakabli...pero interesting na nagbebenta rin comic alley ng pirated dvds ng naruto...it's a lot cheaper...100 lang per cd...pero mas makakamura pag sa quiapo ka bumli..around 60 lang kasi per cd dun..and kapag medyo nakabonding mo pa ung tindera makakatawad ka till around 50 or minsan 40 per cd pag namakyaw ka...hehe...i want to go to quiapo ulit para makabili na ako ng naruto...but i have more important things to deal with..huhu..

it's 815am pa lang...i need to kill 45 mins pa kasi 9am magopen ung HR ng WEST...hmpf!i hope gising pa ako by that time.^_^

Thursday, March 01, 2007

thoughts at 251am...

you have the eyes i can't look at...
you have the face i love to stare at...
we have the conversation, i hope to be neverending...
we have the friendship, i hope to be something else...

we haven't held each other's hands...
but i had felt the lines on your palm...
i had felt its roughness...
it's lines were not so deep like what you feel to me...